Thursday, 5 June 2008

Memories. . .

As usual, I was bored and I can't sleep because of the intense heat, hahaha, ayokong magkulong sa kwarto, it feels like I'm in hell so I started to watch 'The Late Show with David Letterman' on ETC... Boring pa rin, so I decided to switched it off and go to my room. Suddenly I found a long bond paper in my bed, it is an article I made for St. Albert - my 2nd year section [Ang Salitang "Unity"]. So since I'm bored and got nothing else to do, I planned to put my article here on my blog... I'm still missing St. Albert, and just can't get enough! [hahaha]

Ang Salitang "Unity"

June 13, 2007. Excited akong pumasok sa eskwelahan para malaman kung sinu-sino ang mga kaklase ko at para makita rin kung magandang section ang napuntahan ko. Masaya. Dahil nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko. Excited. Dahil gusto kong makilala ang magiging adviser ko sa buong school year. At mainit. Masikip dahil siksikan sa corridor ang karamihan ng mga estudyante dahil sarado pa ang ibang classroom...

Moment of truth.

Pumasok ang isang babaeng maliit at tsinita sa classroom namin, nagpakilala siya, siya ang magiging adviser namin... Mabait, maintindihin, responsable at maganda - yan ang mga katangian niya!
:]

Sa isang klase hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan ng adviser at ng kanyang mga 'anak'...

Isang buwan pa lang ang nakakalipas at umarangkada kami, nag-ingay, naging pasaway, at nagpagalit ng mga teachers - yan ang ginawa namin na labis na ikinagalit ng adviser namin [nga pla, tawagin na lang nating siyang si 'Chuchay'...]

Ayun, balik sa kwento... Nagalit sa'min si Chuchay at nawalan kami ng adviser... Bilang isang officer sa klase, sobrang nag-alala ako at nagsisisi dahil hindi ko nagawa ng maayos ang responsibilidad ko, wala na kaming pag-asa na mabawi pa si Chuchay...

Yun ang akala ko!

Gumawa kami ng plano para mabawi siya at nangyari yun noong Bibliarasal. Halos bumaha sa classroom dahil sa madramang pangyayari, 'di kasi inaasahan ni Chuchay [salamat nga pala sa bestfriend ni Chuchay na itago na lang natin sa tawag na 'Monster' dahil sa pagtulong niya sa'min!], umiyak din si Chuchay at sinabing hindi niya ginusto ang nangyari, nasasaktan siya pag nakikita niya kaming hindi nakaayos, sa tingin niya ay wala siyang silbi sa amin kaya minabuti niyang makipagpalit pansamantala sa adviser ng star section na tawagin na lang nating si 'Jewel' para daw madisiplina kami.

Pagkatapos ng madramang pangyayari doon nabuo ang salitang UNITY sa classroom namin, simula nun ginagawa namin ang lahat para hindi na siya muling mawalay sa'min...

Yun din ang akala ko.

Dumating ulit sa puntong nagalit na naman siya sa'min pero hindi ganung kalala tulad nang una, ang sabi niya, kung may unity kami bakit daw bumabalik na naman kami sa dati naming 'sakit'. At dahil sa takot na mawala siya ay pinigil namin ang mga bibig na wag dumaldal, ang mga katawan para wag humarot at pinigil din ang pagtulo ng luha dahil sa awa namin kay Chuchay, dahil kahit na makulit at pasaway kami ay hindi niya kami pinabayaan, kahit na alam naming nahihirapan siya ay hindi siya sumukong intindihin at mahalin kami, may UNITY...

46 kami, sa kasamaang palad 'na-evict' ang isa, forced eviction ang nangyari at kailangan naming tanggapin na may mawawala sa munting bahay ni Chuchay; kaya ngayon 45 na lang kami... 45 na buhay, 45 na may iba't-ibang pananaw, paniniwala at iba't-ibang katauhan, kailangan naming magkaisa para hindi mahirapan si Chuchay dahil nag-iisa lang siya, oo, siya ang ULTIMATE BIG SISTER namin [haha] at the same time mother din, isang mabuting ina na hindi sumukong mag-alaga sa kanyang mga anak...

Nasan ang unity doon?

Simula't sapul sinabi na namin na kailangan naming magkaisa para walang magtampo, magalit, umiyak at mag-away, fortunately, kahit na may nangyaring mga ganun, masasabi ko pa ring may unity dahil nagawa naming ibalik sa dati ang magandang relasyon namin... Nabalik ang UNITY...

Kahit na maraming hindi pagkakaunawaan sa Albert, marami pa ring mga magagandang bagay na nangyari sa'min, at marami kaming natutunan sa bawat pagsubok at saya na natamasa namin sa II St. Albert!!!

Merong harmony, meron ding humility pero tandaan lang na walang tatalo sa salitang UNITY!!!
(Pray for us Our Lady of Chesca, esta EDSA pala...)
:]

No comments: